Super Animal Royale Wiki/tl

From Super Animal Royale Wiki
Jump to: navigation, search
Maligayang pagdating sa opisyal na wiki

ng Super Animal Royale!

Isang online resource tungkol sa Super Animal Royale na isinulat at pinapanatili ng mga manlalaro.

Mangyaring huwag mag-antubiling magdagdag upang maka-ambag o magpalawak ng mga umiiral na artikulo.

Tungkol sa Super Animal Royale
LABAN PARA SA FURVIVAL
64 hayop ang papasok. Isa lang ang matitirang sasayaw na tagumpay.

Ang Super Animal Royale ay isang top-down multiplayer survival shooter na aabot sa 64 na mga kaibig-ibig at nakakamatay na Super Animals. Mamili ka ng iyong paborito sa menu na kinabibilangan ng mga soro, panda, pusa at iba pang mga hayop na uhaw sa dugo. At pagkatapos, mag-parachute sa mga guho ng safari park na may masaklap na nakaraan at sumabak sa nakakamatay na bala, pasabog at nakakatuwang mga sayawin.

Gumapas ng damo at manghimasok sa mga naabandonang mga gusali upang makahanap ng mga baril, pasabog at health juice na kinakailangan mo upang makatagal sa laban, at mag-ingat sa Super Skunk Gas na dahan-dahang lumilitaw mula sa gilid ng mapa. Ang mga tampok ng Super Animal Royale ay maingat at balanseng "run-and-gun" gameplay na sinasamahan ng isang madaling maunawaan na sistema ng fog of war na nililimitahan ang nakikita ng manlalaro na nagpapahintulot ito para sa isang nakakaligaw at maestratehiyang laro. Mandaragit man o huli, isa lang ang makakarating sa tuktok ng food chain, at nang may kasamang baril sa kanilang mga kamay, hulaan ng sinuman kung sino ang makakarating doon.


Wiki

Para gumawa ng bagong artikulo, ilagay ang titulo ng artikulong nais gawain sa kahon na nasa ilalim o kaya'y ang search box sa tuktok ng page.

  • Sa pagdaragdag ng mga nilalaman
    • Kung hindi mo alam o paano ka gagawa ng isang pahina, humanap ng kaunting mga artikulo na may kaparehong paksa at tignan ito. Maari 'mong tignan din ang source code sa isang wiki para ika'y matuto mula sa gawa ng iba.
    • Hindi kailangan ng edit na ito'y malaki; kung sa tingin mo ay hindi ka gagawa ng mga artikulo, okay lang na magtama ng mga mali ang spelling, error at sirang links.


Main page sections: Top · Flex · Bottom. Changes for the main page can be proposed here.